Francisco Tiu Laurel, Jr.
“Ako po si Francisco Tiu Laurel, Jr. buong puso ko pong tinatanggap ang hamon ng ating Mahal na Pangulo na maglingkod bilang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura.Una sa lahat, nagpapasalamat ako kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang tiwala at sa pagkakataong binigay sa akin na makapagsilbi sa sektor ng agrikultura. Bilang kinatawan ng Pangulo, layunin ko na ipagpatuloy ang kanyang mga adhikain at programa sa sektor ng agrikultura. Sa mga darating na araw, ilalatag ko sa inyo ang mga plano ng Kagawaran ng Agrikultura in coordination with our President.
Pangunahing adhikain ko ang pagtiyak na sagana ang ating ani at siguraduhing ito ay nakakarating sa hapag ng bawat Pilipino. Layunin ko na tiyakin na may sapat at masustansyang pagkain na mabibili ang ating mga kababayan sa tamang halaga.
Susi dito ang modernisasyon ng sektor ng agrikultura, kasabay ng pagpapabuti sa kapakanan ng mga kapatid nating magsasaka at mangingisda. Ating sisiguraduhin na sila ay makikinabang sa mga bunga ng kanilang pagod at pagsisikap.
Malapit sa puso ko ang mga kapatid nating magsasaka at mangingisda dahil personal kong natunghayan ang mga hirap at pangarap nila. Asahan po ninyong laging bukas ang aking tanggapan para sa inyong lahat. Handa akong makinig at makatrabaho kayo. Higit sa lahat, ako’y handa na magtrabaho para sa inyo.
Lubos po akong naniniwala na kaya nating mapalago ang produksyon ng ating agrikultura sa tulong ng ating Presidente. Ngunit hindi ko ito kakayaning mag-isa. Kailangan ko ang tulong at pakikiisa ninyo at ng buong sambayanang Pilipino.
Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap at suporta. Mabuhay ang Kagawaran ng Agrikultura, mabuhay ang mga magsasaka at mangingisda ng Pilipinas.”
Francisco Tiu Laurel Jr.
Secretary, Department of Agriculture
3 November 2023
Philippine Rural Development Project
The Philippine Rural Development Project is a six-year (6) project designed to establish the government platform for a modern, climate-smart and market-oriented agri-fishery sector. PRDP will partner with the LGUs and the private sector in providing key infrastructure, facilities, technology, and information that will raise incomes, productivity, and competitiveness in the countryside. Development Objectives Within the six-year (6) project intervention, it is expected to provide the following outcomes:- At least five percent (5%) increase in annual real farm incomes of PRDP in household beneficiaries
- 30% increase in income for targeted beneficiaries of enterprise development
- Seven percent (7%) increase in value of annual marketed output
- Twenty percent (20%) increase in number of farmers and fishers with improved access to DA services