Sa kabila ng malalakas na pag-ulan, pinangunahan ni DA-CAR Regional Executive Director Atty. Jennilyn M. Dawayan ngayong hapon, July 28, ang pagsasagawa ng monitoring ng pinsala ng nagdaang mga bagyo at habagat sa mga pananim sa Strawberry Farm, La Trinidad, Benguet.
Layunin ng aktibidad na inspeksyunin at alamin ang kasalukuyang kalagayan ng lugar dulot ng patuloy na pag-ulan na nararanasan sa rehiyon.
Karamihan sa mga pananim sa lugar ay strawberry, letsugas, broccoli, at iba pa.
Kasama ni Director Dawayan sa monitoring si La Trinidad Mayor Roderick Awingan at kanyang mga staff, at si Benguet Provincial Agriculturist Delinia Juan.
Nagkaroon ng paunang talakayan ang grupo ukol sa mga agarang hakbang na maaaring gawin habang hinihintay ang iba pang mga posibleng interbensyon para sa mga apektadong magsasaka.//Leny D. Mendoza
DA-CAR Press Release No. 25-143
#DACARabovePAR