𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 || Sa ilalim ng temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan” na bahagi ng selebrasion ng Ika-126 na anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission (CSC), at sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture-Cordillera (DA-CAR), nagdaos ang kagawaran ng “KADIWA Ng Pangulo” sa Regional Field Office nito noong Setyembre 17, 2026 kung saan tampok ang mga preskong produktong buko mula sa Apayao, kahel (orange) mula sa Nueva Vizcaya, at durian mula sa Davao.
Mayroon namang limang porsyentong diskwento sa presyo para sa mga kawani ng pamahalaan.//JTLlanes
















